Kalinisan at kaayusan: Bitamina ng Katawan
March 18, 2009Itlog…… uod……
pupu……aay!!! langaw!!! ito ang siklo ng mga langaw. Madaling mabuhay ang insektong ito.
Napalunok ako sa aking nakita. Na alala ko ang sakit na nadala ng mga insektong ito. Alam mo bang napanapakabilis kumalat ng mikrobyong dala-dala nito? Gustung-gusto ng mga ito sa marurumi at mababahong lugar. Sang katutak na dumi ang kumakapit sa maninipis nitong balbas at balahibo sa bibig at mga paa kaya totoong maraming mikrobyo ang dala nito. ililipat nito ang dumi sa pagkain at tubig na ating iniinom. Ang mga mikrobyong ito ang nagdudulot ng mga sakit tulad ng disintirya, kalira at typhoid fever.
Ano kaya ang maaaring gawin nang ang mga ganitong sakit ay maiwasan?
“Panatilihing malinis ang Kapaligiran Nang sakit ay maiwasan”!!
Tama! Ang malinis na Kapaligiran ay talagang malayo sa sakit. Mahirap yatang magkasakit!
Tiyak na walang dadapong langaw kung walang kalat na mababahong basura. Walang pangingitlogan ang mga nakipipinsalang insekto kung walang nakatambak na mga nabubulok at maruming bagay.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment








meron pfouh vah nagdudulot ng kabutihan sa ating katawan???
Posted by jonah micah at November 23, 2009, 5:48 pm